Friday, February 24, 2012

Charity Begins at Home – and so Does Being Money-wise


Bago pa dumami articles ko dito, teka muna.  Baka isipin nyo ano ba credentials ko para magkaron ng credibility na magsulat at magsabi ng kung ano anong advice tungkol sa pera.  Well, hindi ako graduate ng finance, pero may accounting subject naman ako nung nag-Management sa PMA.  Yung mga nabasa ko sa libro, ina-apply ko, mga experiences ko sa pag-manage ng budget sa pamilya, may mga short seminars din ako na-attendan on personal financial management.

Pero hindi yun ang ipagyayabang ko credential.  Ito ang biggest factor kung bakit andito ako ngayon blogging about this topic – ng dahil anak ako ni Bienvenido Blancaflor (tubong La Union) at Nelly Isaac (tubong Pangasinan) na silang nagmulat sa kin sa pagiging responsable at masinop sa paghawak ng pera

You might think, kaya pala, kasi Ilocano ang mga parents ko.  Kasi kanyo, mga Ilocano kuripot? Aba, totoo nga yun talaga!  Pero hindi kelangan ikahiya.  Oo kuripot sila pero within reason.

Una, naalagaan kami at wala malubhang nagkasakit sa aming magkakapatid.  Nung bata ako, ayaw ko ng gulay ngunit dahil sobrang pinilit nila ako sa kung anong samu’t saring pangungunsenya na aminin na natin, ganun din sinasabi natin to our kids now. Ngayon, gusto ko na ng gulay at d ako masyado sa karne – ngayon ko lang nare-realize the sense and benefits nung ginawa ng parents ko.

Second, alam nyo ba wala kami video games nung bata? Naalala ko lang na electronic na laruan ko nuon ay yung Game and Watch na Nintendo, Parachute. That’s it! Wala din kami betamax or VHS.  Was I “deprived” of my childhood? Hell, no!  Mas gusto ko pa magpatintero, sha-to at agawan base sa kalye kesa sa mga games na yan. The point being: hindi bumibili ng mga non-essential stuff ang parents ko -- especially my mom who would always say ‘wala sa budget yan!’ and stick to it.  Ngayon, bilang isang magulang, mahirap humindi sa ting mga anak. D ba? Gusto natin ibigay sa kanila lahat. Pero paka-isipin din natin kung makakabuti ba ito sa kanila o hindi FOR THE LONG TERM. 

Third, nakapag-aral naman kami sa mga private schools, elementary ko was at Sacred Heart Academy of Novaliches, a Catholic co-ed school.  High school at St Paul College, QC, an exclusive Catholic school for girls.  Nag-UP Diliman din ako for 1 year bago nakapasa at nag-plebo sa PMA.  Kuripot na kung kuripot pero they certainly did not scrimp on my education and it is a big factor kung ano ako ngayon.

Fourth, high school ako and I’m already budgeting my weekly allowance.  Ako na din bumibili ng mga gamit ko sa school as they will just give an amount for me to spend on.  Syempre, with that natuto ako maghanap kung san ako makakamura, para yung sobra pwede ko ibili ng gusto ko.  That experience taught me how to be responsible by their perceptive act of trusting me to do the right thing.

By simply being my parents, they have taught and showed me in this way of life kung pano mabuhay ng hindi maluho.  They helped me distinguish what important stuff we should be spending on and what are ‘walang kwenta.’  Most important of all, they taught me that money may be important for us to live with dignity and it can buy us essential stuff -- but it should not be the Goal from which our world will revolve in. 

Sana with what I shared today, we may think about what we are doing right now in our families.  What examples are we showing our children most especially concerning values about spending and living?



Ang inyong lingkod,

Balitangsink
"Kapag may kaalaman, may kalayaan.

7 comments:

  1. Mam our soldiers really need these blogs.sabi nga ng isang author naforget ko lang name nya management is doing things right and leadership is doing the right things. More blogs to come Mam and more power.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you for your positive comment mam/sir! think about it -- kung may 'bad' habits man tayo regarding money, surely we caught at home. sadly our pinoy culture is mainly consumerist. d lang sa sundalo ito prevalent, but in the Filipino society as a whole. kaya in my article, i urge that go back to basics; let us do and be the right money-managers ng matuto ng tama ang ating mga anak. and they in turn will be the future citizens of our country =)

      Delete
  2. maam sana pati mga misis ma-enganyong magbasa ng blog mo, kasi nasa kanila naman ang atm ng mga mister nilang sundalo

    ReplyDelete
    Replies
    1. dpat nga talaga mag-basa mga wife dito tama, mam/sir. pero sa mga sundalong lalaki, bilang ama ng tahanan ay sila din tumatayong leader ng pamilya. spiritual leader and maski sa financial din. sila dapat nagbibigay ng purpose, direction at motivation sa matters na ito. kaso kadalasan, pinapaubaya na lang sa mga wife ang finances. ng dahil siguro, ayaw nila maabala o d kaya, d rin nila alam kung ano gagawin.

      Delete
  3. syangapala, octopus game naman yung nasa game&watch

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes wala po ko makitang parachute hehe!

      Delete
  4. This is very true ! Thanks so much for your blogs .. Me myself is a wife of an officer and only today i found and read your articles very informative , my husband is a pure ilocano and im proud of him , since weve been together natuto talaga akong magsave and not to buy non essentials things .. Nahilig na rin ako sa mga gulay and thanked to him natuto na rin akong magluto ng dinengdeng ! my favorite! Now sinasabihan na nya ako na mas kuripot p daw ako sa kanya ngayon .. He he he but its true , now were happy coz my house and lot na kmi fully paid na and fully furnished na rin because we save and used our earnings wisely. Just like your parents mam .. Ganyan na ganyan din kami and im so proud . God bless us , hope na marami pang makabasa ng mga articles mo . Thanks

    ReplyDelete