Monday, February 13, 2012

May Capcon ka? Ako Meron! =)


Once upon a time, I was a 3rd class cadet in PMA when our Brigade S6 introduced to me the AFPSLAI Capcon.  AFPSLAI  pa talaga ano... Oo kasi yun lang ata ng AFP-accredited financial institution(FI) na pwede apply-an ng mga kadete.  Ang capcon daw ay mainam kasi automatic na made-deduct in your Pay and Allowance (P/A) your savings. And before you know it, d mo mapapansin, lumalaki na pala ang ipon mo sa AFPSLAI.  And so I got myself an account and how happy I was after graduation when I saw the balance!  It is not quite a million pesos but it made me proud of myself, to have saved such an amount without any effort – just a simple foresight and initiative of our snappy upperclass to let us know about the Capcon!

At pagkatapos naging Army officer na nga ako.  Nalaman ko ngayon marami pang ibang AFP-accredited FIs ang may automatic deduction para sa capcon like AMWSLAI and PAFCIPIC.  Ang maganda pa nito, habang andun lang ang iyon pera, kukimikita ito ng dividends na noon 12% per year pero ngayon umabot na ng 16%! Wow ang galing naman nun! Samantalang ang ordinaryong commercial bank, kapirangot sa 1% per annum ang kinita ng savings mo, (swerte mo na nun) dito sa mga AFP-FIs aba, kalaki!

Pero malungkot na katotohanan ang natambad sa king pansin nung nasa serbisyo na ako.  Ang totoo – ang mga sundalo nagka-capcon ng minimum, say 200php per month para lang maging member ng nasabing AFP-FI – para MAKAPAG-LOAN!

Capcon para makapag-loan? Sa isip kong logical, d matanggap ito.  Pano ka mag-iipon pero intention mo naman mangutang talaga?  This notion has been perpetuated siguro since the time na nagkaroon ng mga AFP-FIs na ganito.  Sayang talaga.  Ang unang intention ng mga institution na ito ay makatulong sa mga sundalo dahil noon maliit lang talaga ang sweldo nila.  Aba, ngayon -- ang mga Technical Sergeant (TSg).  30k plus na ang gross monthly pay!  PERO sa payroll ng HHSBn, LAD na 52 TSg, 9 ang may take-home pay sa ATM ng below 6000php.  Sa itemized deductions nila, puro loan ang deduction and not Capcon. Sige nga, mga magaling kong kasama -- pano ka mabubuhay sa 6000php a month? 

That is just an example of the sad state ng ating kasundaluhan.  Marami pa akong data na ipiprisinta dito in my next articles.  What I am just trying to say – let us take advantage of this Capcon facility offered by the AFP-FIs! Puro loan lang kasi alam natin.  Kung magpapa-deduct ng capcon at d natin gagalawin, maari tayong makaipon para sa mga gastusin natin for the future like what I stressed in my previous article. 

Sa AFPSLAI 

Ang dividend ay binibigay kada quarter.  For example, may nilabas silang dividend this January 2012.  Ang computation na ito ay base sa LOWEST balance ng PREVIOUS quarter. Naintindihan? Medyo magulo ano. Ako rin nalito nuon nabasa ko iyan pero konti piga lang sa utak at naintindihan ko rin.  Kaya nung Jan 2012, ang computed dividend ay galing sa balance mo last 4th qtr 2011 na pinakamababa. So kung d ka nag-withdraw ng capcon mo, ang lowest balance mo last 4th qtr ay buwan ng October. Naintindihan ba? Kaya mo yan! I am laying it down here on the simplest terms. 

At sya naman ako super lito pagcompute ng total dividend sa end ng bawat taon.  Pero simple na lang ginagawa ko.  ==


Sa PAFCIPIC

Mas madali mag-compute kasi once a year (every January) lang sila nagbibigay ng dividend.  Pero pls note.  Iba ang kita ng Share Capital, sa PSD or Preferred Savings Deposit (blue passbook) sa Saving Account (green passbook).  Oo pinag-aralan ko din yang mga yan!

Ganito kasi yun. Bago maging member ng PAFC, kelangan may minimum share capital ka na 10k.  Ang share capital ay kumikita daw (according to PAFCIPIC Annual Report 2010) ng 20% per annum.  Ang tawag sa unang 10k share na binili mo ay Common Shares A.  Kung dadagdagan mo ang mga shares na yan, Common shares B na sya.  Ang PSD, earns less at 15 % daw and ang savings account  naman ay 6%.  Ang dividend at automatic deductions sa PAFCIPIC ay pumapasok sa green passbook.  So kung d nyo ililipat sa blue (PSD) or ibibili ng share, 6% lang ang kikitain nun!

Sabi ko "daw" kasi nung kinompute ko ang dividend ko sa PAFC last 2010, 13+% lang lumabas.  Kaya mabuti pa compute for yourself the dividend, para sigurado.  

Medyo ang gulo ba? Kelangan pa ilipat para kumita ng mas malaki.  Oo ganun kaya ginagawa ko.  Nagpapadeduct lang ako ng minimum 200php sa green passbook.  Pero nag-iipon ako ng tig-10k saka ko ibibili ng share.  Initially idedeposit muna yun sa blue passbook (PSD) at pag na-aprrove na nag PAFC Board ang pagbili mo ng additional shares, mababawas na yun sa PSD nyo at magiging shares na.  Make sure na makuha nyo ang certificate ng shares na binili nyo (your local branch can get it for you, just signify your intention).  Tapos pag labas ng dividend sa green passbook, ipambibili ko agad ng 10k worth of shares.  Authorized naman tayo bumili ng 10k worth per month ng shares sa PAFCIPIC.


Andaming eklat pero sige na lang basta kumita ng 13% + ang ipon mo, okay na yun!  Kahit hindi 20%, mataas sa 10% ay hindi na masama yun.

Sabihin nyo sa lahat ng kilala nyong me AFPSLAI at PAFCIPIC ha? =)  tell them about my blog and this article.

Para madami na tayong may alam tungkol dito!

Ang inyong lingkod,

Balitangsink
Kapag may kaalaman, may kalayaan.”

55 comments:

  1. Hi, BS! I "forced" my husband to allot P10,000 for me monthly since February last year. Then we bought share capital from PAFCPIC. This February he earned a dividend of P12,000. I, on the other hand, earned P27,000 from my forced savings. If only our soldiers learn how to forget their vices and other wants...

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha kakatawa naman yung ginamit mong term na 'forced.' just make sure you write down your financial goals and have a plan kung para saan yang capcon savings nyo sa afpslai. the less likely it will be used to what i term 'walang katuturang gastos.' congrats and continue doing your money-wise ways!

      Delete
  2. Hi po, ilang percent po ang dividend rate ng AFPSLAI Capcon this January 2012? Salamat po :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. According to AFPSLAI, they are giving out, for 2012, 16% per annum total dividend rate. so divided by 4 quarters, 4% per quarter ang dividend rate nila but i think this April 2012 na lalabas, computed therein is the 1st qtr '12 capcon. the January 2012 dividend computes the 4th qtr 2011 capcon balance pa.

      Delete
    2. Hi po, nakita ko na yung dividend rate nila for Jan 2012, it was official at 4.5% for your 2011 4Q CCA balance (highest rate so far since i started opening my CCA :)

      So yung for April dividend, confirmed na po ba yung 4%? (i.e. 16% for 2012 divide by 4 quarters.) Thanx.

      Delete
    3. actually if u updated ur passbook, tama ka, 4.46% or 4.5 na rin if u round it off ang nilabas nilang dividend for Jan 2012. i updated mine 2 weeks ago, and the dividend given last april was 4.49% or 4.5 din, same. so i stand corrected sa 4%.

      Delete
  3. Wow! Thanks mam for the info :)
    Medyo hirap lang kasi ako dumalaw sa branch nila dahil sa work sched ko kaya thru internet lang ako nag che-check ng dividend rate. I appreciate your replies to my queries. More power sa inyo and God bless!

    ReplyDelete
  4. Hi po mam "salute", meron po kc ako CapCon sa PAFCPIC na 4K/mo from the beginning na n enlist ako. it was 2007 till now 2012. npncn ko lng po na maliit ang interest n nkkuha ko per qtr kc this year ko lng e2 napa update after my transfer of unit here in manila. Gusto ko sana ung pag bili ng shares, ilang shares po ba ang pde mabili? mgulo po kc pliwanag nung nsa AFPOVAI branch...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello! regards sa pafc capcon mo, baka sa savings pumapasok yung monthly deduction mo. ang savings ay 6% a yr lang ang kita nun. mas malaki ang kita mo kung shares kagad ang bibilhin ng monthly deduction mo. may pipirmahan ka na document dun sa pafc for this, for ur deductions to buy shares. hindi kasi nila ine-explain ang pinagkaiba ng shares, PSD(preferred savings deposit) and savings. kaya maliit yung kita mo is because ur deduction sa savings pumapasok at yung unang deposit mo na 10k lang ang kumikita ng 16%. what u can do is ibili mo ng shares ang perang nasa savings mo pero it will take time kasi 10k per month lang ang maximum shares that u can buy.

      Delete
    2. Thx po mam, kinompyut ko n din po bali per quarter pla sya 1.1% or sumthing lng bali 6% in a year ang kita. Per quarter po pla ang interest. Bali po salamat po mam sa info. Next time i visit PAFC i'll buy share with my capcons ko.. Thx po Marami...

      Delete
  5. hi ma'am,natuwa nmn ako sa blog mo... marami din pla tayo na concern sa mga sundalo with regards sa capcon..matagal ko din kasi pinag aralan yun mga FIs natin para malaman kung san mas okay mag invest..as of now, parehong ok yun afpslai and pafcpic para sa akin..different ways of investing nga lang talga yun dapat gamitin..sa afpslai ako may 10k capcon ma'am since hindi masyado complicated yun pag earn ng dividend, sa pafcpic nmn may capcon din ako ma'am pero 500 lng but i buy shares monthly sa kanila since ang target ko is to have 120000 worth of shares every year para before ako magretire may million na ako if not millions which will earn 2 hundred thousand or more per year.. i think that is one of the best ways of planning for our retirement.. and like you ma'am, i always discuss this matter during ti and e sa ating mga kasundaluhan.. madami kasi silang hindi alam sa ating mga FIs e.. sad to say ma'am, may mga FIs din kasi na during their info drive ang ndidiscuss lang e yun loan services na iniooffer nila.. wala pa yata nag info drive dito na nag discuss tungkol sa savings and interest.. kaya ako na lng ma'am..hehe.. Godbless ma'am..

    ReplyDelete
    Replies
    1. that is good to know sir that my advocacy is also shared by other officers in the service! Ipagpatuloy po natin ang magandang simulain and mabuhay kayo! God bless! =)

      Delete
  6. hi po Maam, nice po yung blog niyo, it gives me more info..ask ko lang po, civilian po ako at ang father ko and sundalo, i open a savings account in PAFCIfic at malaki na po yung money ko sa savings,and i like naman the flow of my money and the interest, my 10k na share capital po ako, ask ko lang po if pwede po ba ako as civilian to buy more share?kasi i want to invest 100k share additional to my 10k share now..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello! thank you for your interest in my blog. As far as I know, the PAFCIPIC only accepts Phil Army personnel and civilian employees as regular members and with that, the privilige to buy shares of the PAFC coop. sa mga dependents and relatives, associate member ang pwede sa inyo, at pwede nga po ang savings account. the PAFC website is down so d ko rin verify now but before, associate members can avail of the fixed income bond which is like a time deposit where the money you invested will earn a fixed interest. Since your father is an Army personnel i assume, you can request him to deposit you money in his account and buy shares. 10,000php per month ang ceiling so your 100k can buy 10k shares ea month for the next 10 months. or you can ask your father to apply for a joint account for both of you so you can buy the shares as a regular member in this case.
      I hope my response helped you. Thank you po uli and God bless!

      Delete
    2. thank you for the reply. im inspired really now to save more kc your blog gives me more interest to save..thanks

      Delete
  7. thank you for the reply. im inspired really now to save more kc your blog gives me more interest to save..thanks

    ReplyDelete
  8. Sa afpslai po ba pwede maghulog na 30k kahit february,makakakuha pa rin po ba nag debedendo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello! pwede po kayo maghulog ng minumum of 30k php per quarter. kung for example feb nyo hinulog, sa april na po sya mag-e-earn ng dividend. Every 3rd wk of Jan, Apr, Jul and Oct ang bigayan ng dividend. the amount of the dividend will be based on your previous quarter's lowest monthly balance. for example, 1st quarter nagsimula ka maghulog ng tig-1k sa capcon. sa april, ang mag e earn ng dividend ay yung 1000 mong January. sa Jul, yung lowest balance mo ay yung month of apr which will be 4k, and so forth. Sana po naintindihan nyo ang sistemang pagbigay ng dividend sa afpslai =)

      Delete
    2. Ok po maám bali pwede po ako maghulong nag mas mataas sa 30k.per/quarter.tama po ba na ang percent nang afpslai ay 18%annual 4.5%quarter?
      ma'am pwde po ba ako mag request sa inyo?pwede nyo po ako bigyan ng dividend sample?monthly 10k.or quarter 30k.para makita ko po kung magkano pa ang kikitain ng ihuhulog ko quarter or annul.thank you po sa mga idea sa pag iipok ng pera.

      Delete
    3. Sorry pala i stand corrected sa previous comment re pagdeposit ng more than 30k per month, d po pwede kasi may policy ang afpslai 30k ang deposit ceiling per month NOT MINIMUM. example kung nagsimula kyo january 10k. sa 01april may 30000 na kyo. madadagdag dito yung dividend na last year ay nag average sa 4.5% per quarter sa afpslai. 10k x .045 = 450php. 30,000 + 450 = 30,450php ang balance mo. then sa 01july, kung nag hulog ka uli ng 30k may 60450php ka balance. ang dividend computation mo will be the lowest balance last april which is 40000 x .045 = 1800php. 30,450 + 1800 = 32250php na sya. and so on. ng dahil nagko compound sya kada quarter, mas lalong malaki maiipon esp kung hindi mo wi withdrawin. once na nagwithdraw ka anytime during the quarter, back to lowest monthly quarterly balance uli ang computation ng dividend mo.

      Delete
    4. Based on your computation above, you mean ang 4.5% interest for the whole quarter will be based on the amount deposited sa unang buwan ng quarter? And not from the total amount deposited sa buong quarter? Example: Nagdeposit ng 10k sa January, by April you have already deposited 30k. Ang interest na na-earn sa buong quarter ay 450 lang ba instead of 1350k (30K x .045)?

      If you deposit 10k/month you will have 120,000 by the end of the year in savings. Kung hindi ako nag-withdraw kahit isang beses sa buong taon, how much amount will I expect to see on my balance in January of the following year? Naguguluhan po kasi ako sa style ng interest accrual ng AFPSLAI.

      Delete
    5. Hello! Medyo complicated nga ang pag-compute ng dividend interest. Sa example ko above, yes yung unang buwan lng ang mako compute-an ng interest -- ang dividend computation is based on "lowest monthly balance of the quarter." So kung ang lowest balance mo ay sa unang buwan then yun nga po ang mako compute-anng interest. Pero kung nagwithdraw ka within the quarter kung anu ang mas mababang balance, yun ang mako compute-an ng interest dividend.

      Delete
    6. I made my own computation based on your "formula". Please correct me if I'm wrong. Ok, pretending the monthly deposit for the whole year is 10K is no withdrawal will be made, it will look this:

      Jan-March dividend: 450
      Apr-June dividend: 1800 (from the 40K balance in Apr x .045)
      July-Sept. dividend: 3150 (70K balance in July x .045)
      Oct-Dec. dividend: 4500 (100K balance in Oct x .045)

      Total money deposit in one year: 120,000 (10K x 12)
      Total dividend in one year: 9,900

      If my computation is correct and unless I misunderstood your explanation, 9900 is not 18% of 120,000. I just really want to understand because I'm interested in investing with AFPSLAI. Right now I'm out of the country so I have no one else to ask, lol. And I want you to know I'm glad to have found your blog and thankful for your effort.

      Delete
    7. *and no withdrawal will be made (3rd sentence correction)

      Delete
    8. In your computation po
      1) you did not include the dividend sa balance. Nagko compound po yun at ksama sa computation ng susunod na qtr. and
      3) you have not yet computed the dividend of the whole 120k kung until Oct lang. Mare realize nyo lang yung whole dividend ng 120k pagka compute ng for April next yr (1st qtr div).
      Eto po
      Lowest balance 1st qtr - 10000
      Dividend - 450
      Lowest bal 2qtr - 30450
      Dividend - 1370.25
      Lowest bal 3Qtr - 61820.25
      Dividend- 2781.91
      Lowest balance 4qtr - 94602.16
      Dividend - 4257.1

      As you can here, yung 4th qtr div january the nxt yr na ang bigay and d pa na-include yung capcon nyo ng 4th qtr

      Lowest balance 1st qtr (year 2) - 128859.3
      Dividend - 5798.67
      So adding up all dividends you will get 14657.93
      Which is 14.6% -- this is what you call the Effective Dividend Rate. Yung 18% is what you call the nominal rate. Mas maganda nga compute-in yung effective rate and the principle is true when computing loan rates as well.
      Sana po naintindihan nyo ang explanation ko. You can email me at blanky.ago97@gmail.com if you want me to send you the excel file computation i made in this comment.
      Thank you for your interest and i wish you the best in your savings plan! God bless!

      Delete
  9. hello po, ask ko lang mo if pwede pa mgbuy ng shares or to add more shares in PAFCI?THANKS

    ReplyDelete
    Replies
    1. Good day po! To become a member of PAFCIPIC, may 10,000php worth of shares ka dapat mabili. Ang tawag jan ay Common shares "A". Kung bibili ka ng additional, ang tawag naman po dun Common shares "B". Pwede naman kayo bumili ng additional shares for a minimum of 1000php to 10,000php per month. Sa passbook account balance nyo, kung may minimum na 1,000php ay pwede nyo na po ibili ng additional shares. pwede rin po gawin automatic ang pagbili ng shares like ng sakin. kapag umabot na ng lagpas 1,000php ang balance ko sa savings account, automatic made-deduct ang balance at mabibili ng shares. Paki inquire na lang po sa mga empleyado ng PAFC kung ano ang mga forms na fi-fill-upan para ma-facilitate ang ganitong arrangement. pwede rin kyo magdeposit ng cash every month sa savings account and sabihin nyo ibibili nyo ng shares yun. may fi-fill-upan uli kyo forms for this. To account for your shares, mabuti din i-request yung stock certificate from PAFC. you can request na ipadala ito sa local branch nearest your unit. medyo matagal lang po makuha ito, maging masigasig lang po sa pagfa follow up.
      Thank you po for your interest in my blog. God bless!

      Delete
  10. good day mam! pag po ba bumili ng shares anytime po ba pwede din iwithdraw pag nangailangan?

    ReplyDelete
  11. Good day po! pwede kayo bumili ng shares and may proseso ito na ina-aprubahan ng PAFCPIC board. wala naman silang dini-disapprove as long as within the allowable 10,000php worth of shares per month ang bibilhin mo. Kung wi-withdrawin naman ang shares, syempre pwede po nyo gawin ito kasi pera nyo naman ito. may proceso pa rin susundin sa pag-withdraw ng shares na aaprubahan din ng Board. hindi nga lang tulad ito ng savings account at preferred savings deposit (PSD) na pwede i-withdraw agad over the counter. Dapat din i-maintain yung minimum 10,000php shares mo para maging regular member ng PAFCPIC dahil kung maging mas mababa dito, hindi mo na po ma-avail yung ibang services at perks ng pagiging PAFC member.
    Thank you po for your interest in my blog! Good luck sa inyong pag-iimpok and God bless!

    ReplyDelete
  12. mgandang araw po....dito po ba sa afpslai pwede pong mamili ang miyembro kung sino ang beneficiary nya?halimbawa po may anak at asawa tapos sa isang anak lang gusto mapunta pwede po ba yung ganun set up?oh automatic po na hatihati silang lahat sa ipon kahit hindi sila kasama sa beneficiary.kasi sila ang first family ganun po ba yun?salamat po sa napaka gandang blog.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Good day po! yung Capcon account nyo sa afpslai ay pwede nyo i-update ang information nyo regarding family members pero in case na may mangyari sa inyo, sa spouse nyo po automatic mapupunta (in accordance to law) ang laman ng account nyo. Since considered conjugal po lahat ng ipon nyo, ang asawa nyo po ang may karapatan mag-dispose nun. unless may ginawa kayong last will and testament, pwede nyo ilagay dun sa will kung pano nyo ipapamahagi ang mga savings nyo. mag-consult na lang po kyo sa abogado kung pano ito.
      yung idea nyo na sa isang anak mapunta yung account, maari din kung gagawin nyo joint account ang capcon nyo na nakapangalan sa inyo at sa anak nyo.

      Delete
  13. Hello po, is there any way to do transactions online with AFPSLAI? Para po sa'ming andito sa abroad. Kasi mahirap na kung kada deposit eh kelangan munang ipadala sa pamilya tsaka sila na mag-dedeposito sa AFPSLAI. Baka hindi man lang umabot kahit sa entrance door ng AFPSLAI office yung pera, hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. good day po! Sa ngayon wala pa po online banking ang afpslai. Pwede lang po mag deposit ng cap con sa mga branches mismo and through automatic pay deduction via finance units ng mga AFP/PNP personnel.

      Delete
  14. Good day! Civilian employee ako under DND. Regular member na ako ng AFPSLAI naka automatic salary deduction sa AFPSLAI monthly. Pwede ba ako maging member ng PAFCIPIC? Retired Marines yung father ko. Meron ba sila contact number ng PAFCIPIC, or website para malaman ko yung membership reqs? SALAMAT!

    ReplyDelete
  15. hi po maam, i went to pafcipic and ask if pwede pa mg additional buying of share capital, sabi ng nakausap ko dun, hindi na daw pwede, kc my limitation na daw, civilian po ako at memebr ako ng pafc.hindi na daw sila ng aallow. how true po?kc i really want tlga na mgkapag buy ng shares para maincrease yung pera ko sa pafc, tapos maam ask lng din if its really safe the pafcipic for savings?whats your opinion? thanks po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Good day po! Galing po ako PAFCFIC and tama po kayo they are not accepting additional shares since January 2013. Ang automatic deductions natin ay sa savings account po nadadagdag. Ang maari na raw po gawin is i-withdraw ang savings account balance at i-transfer sa PSD account para mas malaki ang interest earned at 14% annually.

      Delete
    2. As for yung tanong nyo po if safe ba ang mag-invest sa pafcific, d nman po ako expert para magbgay ng maalaman na opinion. Lahat naman po ng maaring paglagyan ng savings natin ay may kanya kanyang risk po. Kung ang history at track record ng palakad ng cooperative ang pagbabasehan, i can say ok nman po cla in that respect. In fact this 2012 , halos 20% po ang dividend na bnigay nila for shares. Kung magpapatuloy po ang current internal at external situation with respect sa pafc, at habang marami nagpa patronize ng lending services nito, makayanan po nla magbigay ng ganun kalaking dividend.

      Delete
  16. Hi Ma'am! This is a very informative article. Actually, your blog is one of my inspiration for making my own. I also want to help our fellow soldiers improve their lives by saving their money to these financial institutions. BTW, I would like to invite you as one of my guest author for my blog if you have time.

    Pls check my site: A Wise Filipino Soldier

    Thanks and more power to you!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mabuhay po kayo at salamat sa pagtangkilik sa aking blog. More power din sayo at sana marami pang tao makabasa at maimoluwensyahan ng ating advocacy na magkaron ang ating kapwa sundalo ng kaalaman at kamalayan tungkol sa pag-manage ng kanilang income. God bless!

      Delete
  17. Good day ! Your blog is very informative i just want to ask kung ang main dependent ng member ng PAfcific like wife or husband ay pwede pang magjoin or open ng account sa Pafci ? Para po makapagsave rin kmi for our future . Thanks

    ReplyDelete
  18. Ok lng po b kung hinde mo naaupdate capcon mo? Ano mangtayaree sa pera sa loob ng capcon?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po! kahit hindi kayo nag-a update ng passbook nyo, as long as may deposit kayo doon and/or monthly capcon from the payslip automatic deduction, continuous ang pagdagdag ng pera at dividend nyo doon. pagdaan ng mga taon, d nyo na lang napapansin, malaki na yung ipon nyo! =)

      Delete
  19. Good day ma'am tanung kulang anu ba ibig sabihin ng bibili ka nga share kc kung capcon langmaliit lang ang tubo nasa 6% lang sabi mo ibili nang share pakiliwanag nga maam kc isa lang akong baguhan sundalo tnx...

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa PAFCIPIC po kasi meron tayong automatic deduction sa payslip. sa SAvings account yun naidadagdag. 6% per quarter po ang interest dividend na kita nun. yung sinasabi ko po shares ay Coop shares. pag naging member ka, required ka bumili ng 10,000php worth d po ba? Common Shares A ang tawag po dito. ito ang kumikita ng 16 - 20% kada taon depende kung magkano ang ideclare na dividend ng Board of Directors ng coop. Ang additional shares naman po ay Common Shares B. Dati po, pupwede ka bumili nun ngunit dapat i-withdraw mo ang pambayad nito sa Savings or PSD account mo. PAreho ang dividend nito sa Common share A.
      Ngunit as of Jan 2013, tinigil na po ng Board ng coop ang pag accept ng additional common shares B.
      Kaya po ang next best option ay ilipat ang automatic deduction nyo sa savings account (green passbook) sa PSD account -- ito yung nasa blue passbook. D lang po ako sigurado pero para 14-15% ang dividend nito per year na mas mataas pa rin sa Savings Account.
      Ako po kada buwan, pumupunta ako sa PAFC branch para itransfer yung balance ko from Savings to PSD Account. Ang maximum deposit amount na pwede nyo ilagay dito per month ay 10,000php.

      Delete
  20. hello po, share ko lang po yung sa nakuhang info nung kasama ko at tanong na din.. kasi yung batch nila wala ng blue passbook, nung nagtanong sya sa PAFC ang regular and preferred savings sa green passbook na daw, tapos sabi pag nag preferred savings daw dapat may regular monthly deposit ka sa PS account ng 10k.. tapos pwede pang bumili ng share, another certificate naman na daw yun.. pinagtataka ko lang po yung about sa PSD na dapat may regular monthly deposit na 10k kasi di po ba ang suggestion nyo po na kung di na makakabili ng share ilipat na lang yung nasa regular savings sa preferred savings para mas mataas ang interest.. nalito lang po ako kung ganun na po ba yung policy talaga ngayon ng PSD? thanks po, napaka informative ng article nyo po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po! Re yung passbook, hindi po totoo na green na lang ang passbook. baka po initially green passbook ang binigay sa kanila ay dahil hindi pa sila nag-open ng PSD account sa PAFC. I suggest pumunta po sila mismo sa branch to open their PSD account at magdeposit po sila doon ng cash or itransfer nila some their balance from the Green passbook nila.
      Regarding the PSD account, HINDI po totoo na 10k ang required monthly deposit para magkaroon ng PSD account. rather 10k po ang deposit ceiling monthly or 10k ang maximum na maari nyo ideposit kada buwan sa PSD. WALA rin pong automatic deduction na directly mapupunta sa PSD/blue passbook. you have to personally go to the branch and transfer your balance nga po from green passbook to the blue kasi nga your payslip deductions ay sa green passbook pumapasok. And then another feature of the PSD account when your balance reaches 350k in total, lahat po ng interest dividends na kikitain nun ay sa green passbook na papasok and yun na po ang pinaka-ceiling nya at d na pwedeng madagdagan.
      Sana nakatulong ang aking explanation sa inyo. if you have any other clarifications, ok lang po and sasagutin ko.
      maraming salamat sa inyong pagtangkilik sa aking blog and more power!

      Delete
    2. thanks ma'am!

      Delete
  21. Have a nice day po!nag deposit po ako ng 1M sa afpslai at ipinasok sa red passbook at ang sabi ng taga afpslai ay every month na authomatic na magtratransfer cla ng 10k per month sa green passbook para mas malaki ang interest...ang tanong ko lang po totoo ba na authomatic na ililipat ang 10k per month sa green passbook???

    ReplyDelete
  22. Pwede po ba magdeposit in advance? Kesa po hintayin ko mag April?

    ReplyDelete
  23. Magkano.po interest rati ng afpslai ngayon. Thanks.

    ReplyDelete
  24. Any AFSPLAI alternatives as far as high quarterly/annual dividends is concern?

    ReplyDelete
  25. ano po mangyayari sa CAPCON AFPSLAI ko kung sakaling mawala ako? Ma freeze ba ang account at mapupunta lahat sa AFPSLAI ang perang pinag hirapan ko ? Balak ko po sana mag associate member

    ReplyDelete
  26. Hi, my husband recently received a PAFCPIC Share Certificate worth 100 shares or 10,000 pesos.

    It was not explained daw to him what to do or he probably couldn't eloquently explain it to me, so Hindi na namin ulit napagusapan. Now, I saw the certificate in our stack of files and he is deployed far away. So, I tried to Google Info about it and your blog came close, pero confused pa din Po ako what to do with it... I know he's the only one who can redeem it but I think we both need more info on how to go about it for us to make an informed decision... Hope you can shed some light po.
    Salamat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello mam! Yung 100 shares po na yan ay yng basic requirement to be a member of the PAFCPIC which is a cooperative. May kasama po yan supposed to be passbook. Those shares are non-withdrawable not until gusto na po tapusin ng mbr (your husband) ang kanyang mbrship sa pafcpic. Sa passbook po nka reflect nag e earn po ng dividends yan shares every year. Bka hawak po ng asawa nyo yung passbook. As pafcpic mbr, pwede rin po magloan sa pafcpic.

      Delete
  27. Ang permanent civilian employee ng DND po ba ay qualified maging regular member ng PAFCPIC? sa AFPSLAI po kasi ay pwde

    ReplyDelete