Statistics? Sa spelling pa
lang parang gusto mo na mag-nosebleed. Sa
iba naman tulad ko nagkaroon ng subject na ganyan nung kadete, kung maari lang
mabura sa isip ang not-so-happy experience of those days na halos d na
makatulog sa kaka-review or make sense of the computations and problems na
dapat sagutin para pumasa dito.
Actually matagal ko ng
hinahanap ang data na ito. Matagal ko ng
iniisip kung magkano ba talaga ang kelangan nating income para magastusan ang
ating pangunahing pangangailangan.
Sabi sa site ng NSCB, ‘poverty
threshold’ is the minimum income/expenditure for a family/individual to meet their
basic food/non-food requirement. Sa
latest release ng NSCB, year 2009 pa lang ang kanilang survey (see link here http://www.nscb.gov.ph/poverty/2009/table_1.asp)
where the annual per capita poverty threshold in pesos is pegged at P16,841.00.
Meron din nilabas na survey
called ‘food threshold’ which is defined as the minimum income/expenditure to
meet their basic food requirements. The
2009 survey result (link here http://www.nscb.gov.ph/poverty/2009/table_3.asp) pegged the food threshold at P11,686.00.
From this link http://www.nscb.gov.ph/poverty/2009/Presentation_RAVirola.pdf I would like to share some slides from the 2009 Official Poverty Statistics presented by Dr Virola (Sec Gen of the NCSB).
Table 1 |
Meanwhile, a family of needs the ff in order to be considered 'out of poverty'.
Table 2 |
Table 3 |
So what, ano naman kung me mga
threshold na ganito?
Aba, the implications of these
are the ff:
1. kung ang monthly income ng family mo (if for example, 5 kayo, as seen in the table 3) ay below 7017 php, ikaw ay kasama sa mga sinasabing ‘living below poverty line.'
2. kung ang monthly income ng family mo (same example as 1) ay below 4869 php, kulang pa yan para pambili ng pagkain nyo.
Kung ikaw ay isang CO ng unit
or chief/officer sa isang opisina, tignan mo kaya ang take home pay ng tropa
nyo. Baka magulat ka sa matatanto nyo.
Okay lang kung may trabaho or other source of income ang kanyang wife or
kaanak – pano kung sahod lang nya ang inaasahan ng pamilya?
The more important question
here, if you are the soldier (with income below the mentioned threshold) or
officer with personnel na ganun ang situation – ano gagawin nyo?
Ito ay maikling palaisipan
lamang – ngunit maaring magbago ng iyong pananaw at plano sa kinabukasan.
Ang inyong lingkod,
Balitangsink
"Kapag may
kaalaman, may kalayaan.”