Wednesday, March 7, 2012

Interesting Statistics from the NSCB


Statistics? Sa spelling pa lang parang gusto mo na mag-nosebleed.  Sa iba naman tulad ko nagkaroon ng subject na ganyan nung kadete, kung maari lang mabura sa isip ang not-so-happy experience of those days na halos d na makatulog sa kaka-review or make sense of the computations and problems na dapat sagutin para pumasa dito.

Actually matagal ko ng hinahanap ang data na ito.  Matagal ko ng iniisip kung magkano ba talaga ang kelangan nating income para magastusan ang ating pangunahing pangangailangan.

Sabi sa site ng NSCB, ‘poverty threshold’ is the minimum income/expenditure for a family/individual to meet their basic food/non-food requirement.  Sa latest release ng NSCB, year 2009 pa lang ang kanilang survey (see link here http://www.nscb.gov.ph/poverty/2009/table_1.asp) where the annual per capita poverty threshold in pesos is pegged at P16,841.00. 

Meron din nilabas na survey called ‘food threshold’ which is defined as the minimum income/expenditure to meet their basic food requirements.  The 2009 survey result (link here http://www.nscb.gov.ph/poverty/2009/table_3.asp) pegged the food threshold at P11,686.00.

From this link http://www.nscb.gov.ph/poverty/2009/Presentation_RAVirola.pdf  I would like to share some slides from the 2009 Official Poverty Statistics presented by Dr Virola (Sec Gen of the NCSB).

Table 1


Meanwhile, a family of needs the ff in order to be considered 'out of poverty'.

Table 2


Table 3


So what, ano naman kung me mga threshold na ganito?

Aba, the implications of these are the ff:

1.  kung ang monthly income ng family mo (if for example, 5 kayo, as seen in the table 3) ay below 7017 php, ikaw ay kasama sa mga sinasabing ‘living below poverty line.'

2.  kung ang monthly income ng family mo (same example as 1) ay below 4869 php, kulang pa yan para pambili ng pagkain nyo.

Kung ikaw ay isang CO ng unit or chief/officer sa isang opisina, tignan mo kaya ang take home pay ng tropa nyo. Baka magulat ka sa matatanto nyo.  Okay lang kung may trabaho or other source of income ang kanyang wife or kaanak – pano kung sahod lang nya ang inaasahan ng pamilya?

The more important question here, if you are the soldier (with income below the mentioned threshold) or officer with personnel na ganun ang situation – ano gagawin nyo?

Ito ay maikling palaisipan lamang – ngunit maaring magbago ng iyong pananaw at plano sa kinabukasan.


Ang inyong lingkod,

Balitangsink
"Kapag may kaalaman, may kalayaan.

Friday, March 2, 2012

Magkano ba ang Take Home Pay mo kung wala kang Loan?


Years ago, wala pa salary increase ang AFP, nire-reklamo daw ng mga sundalo ang mababang sahod, na hindi ito at par sa inflation at kulang daw pang-gastos sa pang araw araw na pangangailangan.  Yun din ang dinadahilan ng karamihan kaya marami ang naglo-loan.

This morning I have been assembling my data for a research paper I plan to submit for our command.  Nilista ko ang Gross Pay ng mga EP by rank and according to long pay. Nagkakaiba kasi ang sweldo base sa Long Pay ng sundalo which depends on his length of service in the AFP.  In another column, I computed the automatic deduction na lahat ng sundalo mayroon tulad ng RSBS, HDMF Pagibig, PhilHealth, MBAI dues at tax withheld ng BIR.  Ginawa ko sya na salary range kasi nagkakaiba din ang mga deductions na ito base sa rank at tax na binabayaran. 

Eto na ngayon ang resulta ng aking pagtatala:

*Automatic Deductions computed here is the sum of RSBS, PhilHealth, Pagibig and BIR tax

May mga deductions din for example like Quarters allowance na for EP, 500php ang pinakamataas na bayarin.  Ang mga PAFCIPIC members naman ay kinakaltasan ng 50php  para sa Coop We Care Fund.  Hindi ko na sinama ang mga ito sa computation kasi hindi naman lahat member dito or may AFP Quarters.  Kung meron kayo nito ibawas nyo na lang ang sweldo nyo sa last column.

Makikita nyo sa table na ang Private ay maaring magkasahod ng 17k minimum at ang MSg naman ay maximum ng 33k.  Ang take home pay na ito ay maari nyo ibudget sa mga pang araw araw na gastos o i-deduct as capcon para magkaron ng pagkukunan ng pera as alternative sa paglo-loan.  Kagandahan pa nun, habang hindi nyo ginagalaw ang pera nyo sa capcon, tumutubo pa ito ng dividends!

Sa panibagong salary natin na may increase pa this July (last trench ng increase), maiisip mo pa ba na KULANG ang sahod natin?  Actually sapat na sapat na ito, may savings pa pwede itabi.

Kung may loan man ngayon, dapat sana gawin natin ang goal mabawasan ito, na pag na-fully paid na sya, ipa-deduct na sya as Capcon instead of applying for re-loan. Maari nyo din idagdag ito sa monthly budget nyo, kung sa tingin nyo may kakulangan para sa pang-gastos sa bahay o schooling ng inyong mga anak. 

Maging maalam dapat tayo kung san natin nadadala ang ating mga pinaghirapang Pay and Allowances.  Paka-isipin natin muna kung anu-ano ang pwedeng mas magandang alternative sa paglo-loan. 

Mahirap mabago ang naka-ugalian ngunit kung imumulat lang natin ang isip para sa ikabubuti ng ating standard of living at financial security ng ating pamilya, dapat lang na gawin na natin sa lalong madaling panahon.

Dahil ang sundalong may financial security ay may pride sa kanyang trabaho at masinop sa pagse-serbisyo.  



Ang inyong lingkod,

Balitangsink
"Kapag may kaalaman, may kalayaan.

Friday, February 24, 2012

Charity Begins at Home – and so Does Being Money-wise


Bago pa dumami articles ko dito, teka muna.  Baka isipin nyo ano ba credentials ko para magkaron ng credibility na magsulat at magsabi ng kung ano anong advice tungkol sa pera.  Well, hindi ako graduate ng finance, pero may accounting subject naman ako nung nag-Management sa PMA.  Yung mga nabasa ko sa libro, ina-apply ko, mga experiences ko sa pag-manage ng budget sa pamilya, may mga short seminars din ako na-attendan on personal financial management.

Pero hindi yun ang ipagyayabang ko credential.  Ito ang biggest factor kung bakit andito ako ngayon blogging about this topic – ng dahil anak ako ni Bienvenido Blancaflor (tubong La Union) at Nelly Isaac (tubong Pangasinan) na silang nagmulat sa kin sa pagiging responsable at masinop sa paghawak ng pera

You might think, kaya pala, kasi Ilocano ang mga parents ko.  Kasi kanyo, mga Ilocano kuripot? Aba, totoo nga yun talaga!  Pero hindi kelangan ikahiya.  Oo kuripot sila pero within reason.

Una, naalagaan kami at wala malubhang nagkasakit sa aming magkakapatid.  Nung bata ako, ayaw ko ng gulay ngunit dahil sobrang pinilit nila ako sa kung anong samu’t saring pangungunsenya na aminin na natin, ganun din sinasabi natin to our kids now. Ngayon, gusto ko na ng gulay at d ako masyado sa karne – ngayon ko lang nare-realize the sense and benefits nung ginawa ng parents ko.

Second, alam nyo ba wala kami video games nung bata? Naalala ko lang na electronic na laruan ko nuon ay yung Game and Watch na Nintendo, Parachute. That’s it! Wala din kami betamax or VHS.  Was I “deprived” of my childhood? Hell, no!  Mas gusto ko pa magpatintero, sha-to at agawan base sa kalye kesa sa mga games na yan. The point being: hindi bumibili ng mga non-essential stuff ang parents ko -- especially my mom who would always say ‘wala sa budget yan!’ and stick to it.  Ngayon, bilang isang magulang, mahirap humindi sa ting mga anak. D ba? Gusto natin ibigay sa kanila lahat. Pero paka-isipin din natin kung makakabuti ba ito sa kanila o hindi FOR THE LONG TERM. 

Third, nakapag-aral naman kami sa mga private schools, elementary ko was at Sacred Heart Academy of Novaliches, a Catholic co-ed school.  High school at St Paul College, QC, an exclusive Catholic school for girls.  Nag-UP Diliman din ako for 1 year bago nakapasa at nag-plebo sa PMA.  Kuripot na kung kuripot pero they certainly did not scrimp on my education and it is a big factor kung ano ako ngayon.

Fourth, high school ako and I’m already budgeting my weekly allowance.  Ako na din bumibili ng mga gamit ko sa school as they will just give an amount for me to spend on.  Syempre, with that natuto ako maghanap kung san ako makakamura, para yung sobra pwede ko ibili ng gusto ko.  That experience taught me how to be responsible by their perceptive act of trusting me to do the right thing.

By simply being my parents, they have taught and showed me in this way of life kung pano mabuhay ng hindi maluho.  They helped me distinguish what important stuff we should be spending on and what are ‘walang kwenta.’  Most important of all, they taught me that money may be important for us to live with dignity and it can buy us essential stuff -- but it should not be the Goal from which our world will revolve in. 

Sana with what I shared today, we may think about what we are doing right now in our families.  What examples are we showing our children most especially concerning values about spending and living?



Ang inyong lingkod,

Balitangsink
"Kapag may kaalaman, may kalayaan.

Monday, February 20, 2012

Magkano ba mag-LOAN?


Lunes ng umaga, heto sa king table mga DLO clearances ng mga naglo-loan waiting for signature.  Naisip ko tuloy na magandang intro ito, masalaysay ang mga nakagawiang ginagawa ng mga sundalo sa paglo-loan.

Pansin ko mga application --

1.  karamihan ng loan application ay RE-LOAN.  Ibig sabihin, may previous loan sila na hindi pa fully paid, pero inaaply na agad ng loan where ang balanse ng previous loan ay ia-awas sa ina-apply pa lang na loan at yung matitira ay yun lang ang cash na matatanggap.

2.  karamihan may naiiwan na NET TAKE HOME PAY na between 7000-7500php.  Aba nakunsensya pa sila nagtira pa ng 7k.  pag sinagad mo kasi ang loan according to SOP ng minimum take home pay, dapat may more or less 4,200php plus SubsistenceAllowance na (2700+ php) equals 6900+php. 

3.  karamihan sa mga naglo-loan ay may existing loan deductions na  2 or more sa iba namang AFP-FIs.   

Balik tayo sa tanong ko sa title.  Alam nyo ba magkano mag-loan?  Siguro kung lahat ng nagpapa-pirma ng DLO dito ay tanungin ko ay silencio lang ang maririnig ko.  Bakit kaya? Maaring hindi nila iniinda ang cost or interest ng loan, kasi ide-deduct naman yun diretso sa sweldo.  So feeling nga naman natin, walang abala sa tin.  E lalo naman mas walang abala sa AFP-FIs at yung Finance Center na mismo nangongolekta ng mga loan payments para i-remit sa kanila.  (Actually, may porsyento na binabayad ang AFP-FI sa mga finance centers para sa ‘service’ na to na napupunta sa AFP Provident Fund.  Sa susunod ko na lang idi-discuss to).

Kumpara nga natin ang mga interes ng salary loan according to their website:



Sa mga table, nakasaad lang ang binayaran na interest kada taon. Pero magkano kung compute-in mo ang total interest? Ang tawag dito ay EFFECTIVE INTEREST RATE.

Para ma-compute ito, multiply ang monthly loan deduction sa number of months to pay. Ibawas ang total nito sa amount na in-apply sa loan (see table below)

Tignan naman natin ang isa sa mga loan application dito at compute-in ang EIR ng kanyang ni-reloan na 130K.


 45.1% interest ang lumabas na EIR.  Di ka ba na-atake sa puso? Ako nga nagulat, because i was only expecting 30% EIR pero 45 ang lumabas. 

Isipin nyo nga – sa bawat loan amount na ina-apply nyo, halos KALAHATI nun ang interest na binabayad nyo sa AFP-FI.  Syempre kita na nila yun – panggastos sa kanilang operating expenses, pang-incentive sa kanila Board of Officers/Directors (d ba kayo nagtataka bakit andami nagkakandarapa magpa-elect sa Board ng mga AFP-FIs na yan) at pang-DIVIDEND sa mga members.  D ka nga naman magtataka bakit nakakapagbigay sila ng 16% dividend na halos at par na din sa mga mutual funds sa labas.

Sa mga commercial banks naman, d ka basta basta makakapagloan.    Sa housing loan, minimum 12% per year yan and HINDI FIXED ang interes.  At halos lahat nagre-require ng COLLATERAL bago maka-utang. Like for example, yung bahay na binili mo thru that loan, ay yun din ang collateral na maaring mapunta sa bangko kung d mo nabayaran ang loan. 

Maaring maraming mga tanong ang maisip nyo at this point like:  legal ba yun i-charge ka ng ganun kalaki for a loan?  

Baka hindi nyo din alam, na different entities ang maaring makialam sa mga policies and procedures jan AFPSLAI at PAFCIPIC.

Ang AFPSLAI ay ‘savings and loan association’ na sya naman sumasailalim sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).  Samantalang ang PAFCIPIC ay isang Cooperative na sumusunod sa alituntunin ng Cooperative Development Authority.  Sila ang mga entities na maaring magbusisi sa mga internal policies and proseso na may kinalaman sa kanilang mga customer.  Sa AFP naman, anjan ang AFPFIAB o ang AFP-FI Accreditation Board. Sa aking pagre-research, sila ang nag-a approve sa mga financial institutions na gusto magpa-deduct ng loan payments or capcon sa mga membro nila na sundalo.  At may say din sila sa EIR na pinapataw nito sa kanilang customer. 

Lalo pa siguro dumami ang tanong nyo sa puntong ito.  Oo sasagutin ko mga yan sa mga susunod na articles. Ang gusto ko lang liwanagin sa isip ngayon nyo ay ito—

NAPAKA-MAHAL ANG UMUTANG kung sa AFP-FI ka uutang! 
Sa mga lending institutions na yan or sa AFP-FIAB or sa ating command na up to now d pa binabago ang outdated/ancient/prehistoric mininum take-home pay policy – wala ka naman control sa kanila. Pero sa sarili mo, MERON. 

Maaring sa kaalaman na ito ay mamulat ang isip nyo.

Ang inyong lingkod,

Balitangsink
"Kapag may kaalaman, may kalayaan.

Monday, February 13, 2012

May Capcon ka? Ako Meron! =)


Once upon a time, I was a 3rd class cadet in PMA when our Brigade S6 introduced to me the AFPSLAI Capcon.  AFPSLAI  pa talaga ano... Oo kasi yun lang ata ng AFP-accredited financial institution(FI) na pwede apply-an ng mga kadete.  Ang capcon daw ay mainam kasi automatic na made-deduct in your Pay and Allowance (P/A) your savings. And before you know it, d mo mapapansin, lumalaki na pala ang ipon mo sa AFPSLAI.  And so I got myself an account and how happy I was after graduation when I saw the balance!  It is not quite a million pesos but it made me proud of myself, to have saved such an amount without any effort – just a simple foresight and initiative of our snappy upperclass to let us know about the Capcon!

At pagkatapos naging Army officer na nga ako.  Nalaman ko ngayon marami pang ibang AFP-accredited FIs ang may automatic deduction para sa capcon like AMWSLAI and PAFCIPIC.  Ang maganda pa nito, habang andun lang ang iyon pera, kukimikita ito ng dividends na noon 12% per year pero ngayon umabot na ng 16%! Wow ang galing naman nun! Samantalang ang ordinaryong commercial bank, kapirangot sa 1% per annum ang kinita ng savings mo, (swerte mo na nun) dito sa mga AFP-FIs aba, kalaki!

Pero malungkot na katotohanan ang natambad sa king pansin nung nasa serbisyo na ako.  Ang totoo – ang mga sundalo nagka-capcon ng minimum, say 200php per month para lang maging member ng nasabing AFP-FI – para MAKAPAG-LOAN!

Capcon para makapag-loan? Sa isip kong logical, d matanggap ito.  Pano ka mag-iipon pero intention mo naman mangutang talaga?  This notion has been perpetuated siguro since the time na nagkaroon ng mga AFP-FIs na ganito.  Sayang talaga.  Ang unang intention ng mga institution na ito ay makatulong sa mga sundalo dahil noon maliit lang talaga ang sweldo nila.  Aba, ngayon -- ang mga Technical Sergeant (TSg).  30k plus na ang gross monthly pay!  PERO sa payroll ng HHSBn, LAD na 52 TSg, 9 ang may take-home pay sa ATM ng below 6000php.  Sa itemized deductions nila, puro loan ang deduction and not Capcon. Sige nga, mga magaling kong kasama -- pano ka mabubuhay sa 6000php a month? 

That is just an example of the sad state ng ating kasundaluhan.  Marami pa akong data na ipiprisinta dito in my next articles.  What I am just trying to say – let us take advantage of this Capcon facility offered by the AFP-FIs! Puro loan lang kasi alam natin.  Kung magpapa-deduct ng capcon at d natin gagalawin, maari tayong makaipon para sa mga gastusin natin for the future like what I stressed in my previous article. 

Sa AFPSLAI 

Ang dividend ay binibigay kada quarter.  For example, may nilabas silang dividend this January 2012.  Ang computation na ito ay base sa LOWEST balance ng PREVIOUS quarter. Naintindihan? Medyo magulo ano. Ako rin nalito nuon nabasa ko iyan pero konti piga lang sa utak at naintindihan ko rin.  Kaya nung Jan 2012, ang computed dividend ay galing sa balance mo last 4th qtr 2011 na pinakamababa. So kung d ka nag-withdraw ng capcon mo, ang lowest balance mo last 4th qtr ay buwan ng October. Naintindihan ba? Kaya mo yan! I am laying it down here on the simplest terms. 

At sya naman ako super lito pagcompute ng total dividend sa end ng bawat taon.  Pero simple na lang ginagawa ko.  ==


Sa PAFCIPIC

Mas madali mag-compute kasi once a year (every January) lang sila nagbibigay ng dividend.  Pero pls note.  Iba ang kita ng Share Capital, sa PSD or Preferred Savings Deposit (blue passbook) sa Saving Account (green passbook).  Oo pinag-aralan ko din yang mga yan!

Ganito kasi yun. Bago maging member ng PAFC, kelangan may minimum share capital ka na 10k.  Ang share capital ay kumikita daw (according to PAFCIPIC Annual Report 2010) ng 20% per annum.  Ang tawag sa unang 10k share na binili mo ay Common Shares A.  Kung dadagdagan mo ang mga shares na yan, Common shares B na sya.  Ang PSD, earns less at 15 % daw and ang savings account  naman ay 6%.  Ang dividend at automatic deductions sa PAFCIPIC ay pumapasok sa green passbook.  So kung d nyo ililipat sa blue (PSD) or ibibili ng share, 6% lang ang kikitain nun!

Sabi ko "daw" kasi nung kinompute ko ang dividend ko sa PAFC last 2010, 13+% lang lumabas.  Kaya mabuti pa compute for yourself the dividend, para sigurado.  

Medyo ang gulo ba? Kelangan pa ilipat para kumita ng mas malaki.  Oo ganun kaya ginagawa ko.  Nagpapadeduct lang ako ng minimum 200php sa green passbook.  Pero nag-iipon ako ng tig-10k saka ko ibibili ng share.  Initially idedeposit muna yun sa blue passbook (PSD) at pag na-aprrove na nag PAFC Board ang pagbili mo ng additional shares, mababawas na yun sa PSD nyo at magiging shares na.  Make sure na makuha nyo ang certificate ng shares na binili nyo (your local branch can get it for you, just signify your intention).  Tapos pag labas ng dividend sa green passbook, ipambibili ko agad ng 10k worth of shares.  Authorized naman tayo bumili ng 10k worth per month ng shares sa PAFCIPIC.


Andaming eklat pero sige na lang basta kumita ng 13% + ang ipon mo, okay na yun!  Kahit hindi 20%, mataas sa 10% ay hindi na masama yun.

Sabihin nyo sa lahat ng kilala nyong me AFPSLAI at PAFCIPIC ha? =)  tell them about my blog and this article.

Para madami na tayong may alam tungkol dito!

Ang inyong lingkod,

Balitangsink
Kapag may kaalaman, may kalayaan.”

Saturday, February 11, 2012

May Loan ka? Ako Wala! =)

When I was a lieutenant, that was the one and only time I applied for a loan. I forgot where I used it for, but I do remember computing for the interest I paid AFPSLAI, lumaki ang mata ko sa laki ng porsyento! Ganito ba talaga ang cost ng mangutang? So I told myself never again!
Through the years in the service, I have had the opportunity to sign loan forms of soldiers – I will perfunctorily ask them what the money is for. They would always answer – kelangan pampa-kasal, pampanganak ng misis, pangpagamot sa magulang/anak/biyenan, pangbili ng lupa, pagawa ng bahay, etc etc. Of course those are standard answers, but you will hear other stories like their loaned money ay pinang-sugal, taya sa sabong, pinang-inom o good time para bida sa mga kapwa sundalo, ginastos sa fiesta sa bayan nila para sikat, pinang-invest sa pyramiding scheme, etc.
If true or not, at that time, I thought alam naman siguro nila ginagawa nila. Pera nila yan. But whenever I see their payslip and their take-home pay amounting to the minimum only of 4200php a month, I cannot help but think "how can they live with this budget? 'Di ba 3 anak nun, ang 1 baby pa?" I would just stare helplessly at pikit-matang pipirmahan ang loan form.
Balik tayo sa unang tanong. Bakit ako walang loan? You might think malaki naman sweldo ko kasi opisyal. Kahit di mag-loan, kaya mabuhay.
Pero hindi nga! Nanganak din naman ako, nagkakasakit mga anak, nag-eenroll sa school at kung ano ano pa! Bakit d ako naglo-loan?
Kasi po, ngayon pa lang, iniisip ko na at sinusulat ang mga pagkakaggastusan ko sa mga susunod na taon. Next year manganganak kunwari misis mo. Aba kung pang-2nd or 3rd anak na yan, alangan d mo pa alam kung magkano gastos jan. Sa pag-eenroll, ganun din. Kung may sasakyan ka, alam mo tuwing kelan magpapalit ng langis, ng gulong, ng baterya. At syempre pa, kung may emergency, mga d naman inaasahang mangyari, saan ka kukuha ng pera? Kung ma-anticipate mo ang mga bagay na ito, pwede naman naman PAG-IPUNAN ang pambayad nito.
Pano nga mag-iipon e sagad na sagad na nga, nakasanla pa ATM?
Sa ibang topic naman natin ita-tackle yan. Pano makalaya sa pagkaka-utang.
Pero gusto ko kasi ipakita ang kahalagahan ng PAGPA-PLANO. You can save yourself many problems and lessen your stress by planning for the future. Most of our activities in the family are routine or happen in some sort of a cycle where we can predict the most probable outcome. If we can prepare and save for future expenses, that is a better option than loaning the money.
Mababaon ka lang sa utang and it will be just one repetitive cycle of loaning again and again because you do not have enough. or will never be if YOU DON'T DO SOMETHING ABOUT IT.
Wake up and get yourself out of that debt hole! Mag-isip. Mag-plano. Mag-ipon.
Now na!

Ang inyong lingkod,
Balitangsink
Kapag may kaalaman, may kalayaan.

The Soldier and his Money

This question has been languishing in my mind for quite some time already. Why are most soldiers deep in debt? Why in their dire need for money almost ALWAYS resort to applying for loans?
I have been looking at data provided by friends in Finance Center, PA for these past months. As of June 2011, 95 % of soldiers have loans whose monthly payments amount to 3k on the average/month. In my former unit 3Mech Bn, almost 24% of the its enlisted personnel (EP) has a take home pay of below 6k a month not including the Subsistence Allowance (SA) (data from July 2011 payroll).
I, being a mother of 2 children, find it hard to think how my family would live with only 6k per month as a budget. Knowing for a fact that for most soldiers, they are the sole breadwinner in their families and their wives have no paying jobs unless they find other means of earning money like having a small sari-sari store or buy-and-sell scheme on the side but these cases are more the exception than the norm.
This concern has thus spawned this idea of mine, to write a blog where our soldiers can find useful information about many topics on money, about loans, capcon/dividends that they typically wouldn’t even care to know – but they should. What I will write here will come mostly from my personal research, experience, interviews and stories from people in the military service i have known and hopes that I may be able to reach more people, educate them and help improve their financial lives.
To my readers, if you have friends who are soldiers, please share them this blog. If you are a leader in your own unit or office, please share this blog too and my advocacy as well. If you are a soldier, congratulations and bless you for finding this blog! I hope we can help each other starting to today and in the future.

Ang inyong lingkod,
Balitangsink
Kapag may kaalaman, may kalayaan.